-Habang lumalakbay si Don Juan, may nakita siyang isang matanda at itong matanda ay naghingi ng tulong kay Don Juan. Dahil sa kabaitan ni Don Juan binigyan niya ang matanda nang nananatiling tinapay niya. Ang matanda ay masayang-masaya, upang makabayad siya tinanong niya kay Don Juan kung makatulong ba siya. Nagtanong si Don Juan kung saan makikita ang Ibong Adarna, Sinabi ng matanda kung paano niyang mahanap ang piedras platas at ang ermitanyong makatulong sa kanya upang mahuli ang Ibong Adarna. Si Don Juan ay mabilis na umalis at nakatagpo ng Piedras Platas at pinuntahan niya ang ermitanyo. Sinabi ni Don Juan ang plano niya sa paghuli ng Ibong Adarna at mahanap niya ang kanyang mga kapatid, siya’y naghingi ng tulong. Tinulungan naman ng ermitanyo si Don Juan. Sinabi ng ermitanyo ang “Routine” ng Ibong Adarna, kakanta ito ng pitong beses at magpapalit ng kulay sa balahibo ng pitong beses din. Sinabi rin niya na ang mga kanta ay nakakaantok kaya kailangan niyang hiwain ang kanyang kamay gamit ang labaha at patakan ng dayap upang di-antokin. Sinabi din ng Ermitanyo na iwasan ang pagdudumi nito.
Gabay na tanong:
– Bakit ibinalik ng matandang leproso ang tinapay kay Don Juan?
– Ano ang nakabigay ng lakas kay don juan sa pagkukuha ng Ibong Adarna?
Buod ng kabanata 7 Ang Karapat-Dapat
– Si Don Juan ay pumunta na sa Piedras Platas upang abangan ang Ibong Adarna. Noong nakita ni Don Juan ang Ibong Adarna siya’y nagandahan at noong kumunta ito siya’y inantok. Kaya ginawa niya ang pinagawa ng ermitanyo sa kanya. Kahit sobrang sakit itiniis ito ni Don Juan.
Pagkatapos ng mga kanta iniwasan naman ni Don Juan ang pagdudumi nito. Noong nakatulog na ang Ibong Adarna gamit ang gintong lubid ikinuha niya ito sa mga paa nito. Inilagay niya ito sa hawla at dinala niya ito sa ermitanyo. Ipinakuha naman ng ermitanyo ng isang baldeng tubig para ibuhus ito sa mga bato upang maging tao ulit ang magkapatid na si Don Pedro at Don Diego. Naging tao ulit sila at lahat sila’y nagkasiyahan at bumalik sa ermitanyo upang kunin ang Ibong Adarna. Sila’y masayang kumain at masayang naglakad pabalik sa Kaharian ng Berbanya.
Gabay na tanong:
– Bakit ang titulo ng kabanataan na ito ay “Ang Karapat-Dapat”?
– Bakit gamit ang gintong tali upang mahuli ang Ibong Adarna?
Buod ng Kabanata 8 Bunga ng Masamang Gawa
-Habang Pauwi ang magkakapatid, Si Don Pedro ay nakaisip na, kung bumalik silang tatlo si Don Juan ay makakakuha ng malaking selebrasyon at pagsasalamat. Si Don Pedro ay nagpahuli upang makausap si Don Diego habang nauna si Don Juan. Sinabi ni Don Pedro kay Don Diego ang kanyang plano na bugbugin at iiwan si don juan upang silang dalawa ang makakatangap ng malaking pasalamat. Sa una, nagulat si don diego ngunit siya ay nakaisip na tulungan si Don Pedro. Binubog nila si don juan at di siya nakalaban. Tumakas ang dalawa kasama ang Ibong Adarna. Dumating ang magkapatid sa Berbanya nakita ng hari at siya’y natuwa ngunit nasaktan muli dahil hindi niya nakita si don juan. Tinanong sa dalawa kung ano ng yari kay don juan at sagot ng dalawa na hindi nila alam. Dahil wala si don juan naging malungkot ang Ibong Adarna at di na itong kumanta at pumangit din.
Gabay na tanong:
– Bakit naiingit si don pedro kay don juan
– Kung Ikaw si Don pedro gagawin mo rin ba ito? Bakit?
– Anong klaseng tao si Don Pedro?
Buod ng Kabanata 9 Sagot sa Taimtim na Dasal
– Si Don Juan ay nasaktan na sobra sobra kaya kala niya na mamamatay na siya. Nagdasal nalang siya sa diyos na gumaling ang kanyang tatay at huwag parusahan sina don diego at don pedro. Ang mga dasal ni don juan ay narinig at may isang matanda na lumapit at pinagaling si don juan. Noong nagising siya naging normal na ulit siya. Nagpaslamat si don juan at itanong sa matanda kung paano siyang makabayad sinabi ng matanda na bumalik nalang siya sa palasyo dahili hinahanap na siya ng kanyang tatay.
Gabay na tanong:
– Sa tingin mo ang matanda ba ay ang diyos na naging tao? Bakit?
– Bakit kayang walang hininging pabalik ang matanda?
Buod ng Kabanata 10 Ang Katotohanan ay Lalabas
-Noong Bumalik si Don Juan sa Berbanya naging masaya ang hari at ang kanyang ina. Noong nakita din ng Ibong Adarna si Don Juan ito’y naging maganda muli at kumanta. Nakatulog ang hari at doon niyang nakita ang nangyari kay don juan dahil ikwinento ng Ibong Adarna sa hari ito. Nagalit ang hari at gusto niyang parusahin ang dalawang magkapatid nguit tinigilan ito ni don juan at naghingi siya na tawad para sa kanyang mga kapatid. Naging mabuti na ang hari at bumalik na ito sa dati. Pinabantay ng hari ang Ibon upang di tumakas, silang tatlong magkakapatid ay nag-sunod sunod sa pagbantay ng Ibong Adarna.
Gabay na Tanong:
– Kung ikaw si Don Pedro, mahihiya ka ba sa ginawa mo? Bakit?
– Sa palagay mo tama bang hindi pinarusahan ni Don Fernando ang magkapatid bakit?
– Bakit ayaw ni Don Juan maparusan ang mga kapatid niya kahit gumawa sila ng malaking kasalan?
Mga Mahalagang Saknong:
Kabanata 6 |
Ibig Sabihin Ng Mga Saknong |
147: Gaano ang katuwaan
ng matanda kay don juan ito’y halos niyang hagkan sa ganda ng kalooban. |
Sa pagbibigay ni don juan ng tinapay sa matanda, nakita ang kabutihan ni Don Juan. |
171: Mga payo at pangaral
ng ama sa bunsong mahal ang aliw na ibinigay sa Prinsipeng namamanglaw |
Ang mga tinuruan at mga pinagsasabi o sermon ng tatay ni don juan ay nagbibigay ng lakas sa kanya sa oras ng kahinaan, ito ang nagbibigay ng determinasyon sa kanya. |
159: Ang Prinsipe’y di kumibo
ngunit nasaktan ang puso ang matanda’y hinuhulong baka siya’y binibiro |
Sinasabi dito na si Don Juan ay naging mabait sa pagbigay at ito’y binalik kaya siya’y naksaktan. Ipinapakita dito na ang mga Pilipino ay mapagbigay ngunit minsan sila ay niloloko na pero mtumatawa pa rin at patuloy pa ring gumawa ng tama. |
Kabanata 7:
223: Wala silang mahagilap
na salitang matitimyas o anumang maitumbas kay Don Juang mga hirap |
Pinapakita dito na ang dalawang kapatid ay masaya dahil sila ay nabuhay muli ng bunso nilang kapatid
Wala silang masabing kapareho sa ginawa ni don juan. |
213: Agad niyang sinunggaban
sa paa’y biglang tinangnan at ginapos nang matibay ng sintas na gintong lantay. |
Ang katapangan ni Don Juan ay lumabas dito habang hinuhuli ang Ibong Adarna. Hindi siyang tumigil at
Ang determinasyon niya ay tuloy-tuloy |
215: magalak namang kinuha
ang nahuli nang Adarna at hinimas pang masaya nang ipaskok na sa hawla |
Ipinakita dito na, noong nakuha ni Don Juan ang Ibong Adarna siya’y napasaya din at inalagan pa niyang mabuti. Nakikita din dito ang mga katangian ng Pilipino na kung may nakuhang mahalaga galing sa ginawa nila ito’y inaalagaan nila at minamahal nila. |
Kabanata 8:
260: Ngunit nang kanyang mapunang
si Don Jua’y di kasama nag-usisa sa dalawa sagot nito’y ewan nila |
Dito, nakita ng hari na pabalik na si don pedro at don diego hindi naman niya nakita si don juan. Pagdating ng magkapatid itinanong ng hari kung nasaan na si don juan ang sagot nila ay di nila alam. Makikita dito ang pagsinungaling ng magkapatid dahil ang totoo ay naingit sila dito at binugbog nila si Don Juan |
261: Naghimutok na ang hari
katuwaan ay napawi ibigin ma’y di mangiti’t ang hininga ay may tali |
Noong narinig ng Hari na hindi nila alam kung saan si don juan siya’y naging malungkot dahil mahal na mahal niya ito at takot siya na may masamang ng yari kaya nawala ang katuwan niya at nahirapan siyang huminga |
274: Labis ang kanyang pag-asa
ang prinsipe ay buhay pa’t kung tunay mang nasa dusa gagaling ding walang sala. |
Dahil mahal na mahal ng hari si don juan iniisip niya na may pag-asa pa siyang bumalik at kung nasaktan man siya’y makaka balik ng walang problema. |
Kabanata 9:
280: Hindi niya nalimutang
tumawag sa birheng mahal lumuluhang nanambitang tangkilikin kung mamatay |
Sinasabi na kahit sobrang nasaktan na siya di pa rin niya na kalimutan na mag dasal upang matulungan at mabantayan |
282: Kung wala nang kapalarang
humaba pa yaring buhay loobin mo, Inang mahal ang ama ko ang mabuhay |
Sinasabi ni don juan na kung wala na siyang pagasang mabuhay tulungan nalang ang tatay niya na mabuhay at mawala ang kanyang sakit. Nakita dito ang kanyang kabaitan at kamahalan sa iba. |
326: di masukat ang paghanga
sa nakitang talinhaga’t sa sarili ay nagwikang: “Tila Diyos ang Matanda” |
Dahil natuwa si don juan sa kabaitan ng matanda at ang gamut ay nakatulong sa pagkagaling ni don juan sinabi niya na ang matanda ay parang diyos na nagtulong sa kanya. |
Kabanata 10:
|
Sinasabi nitong dalawang saknong na noong nakita na nang adarna si don juan bigla ito’y gumanda at kumanta din ng maganda dahil nakita nito ang totoong amo niya, si don juan. | ||
393: lumuluha nang sabihing:
“O, ama kong ginigiwiw ang puso mong mahabagin sa kanila’y buksan mo rin. |
Dahil sa mahal ni Don Juan sa kanyang mga kapatid ayaw niyang masaktan sila kaya naghihingi siya ng patawad galling sa kanyang ama upang magiging magkasama pa in sila kahit niloko nila si don juan. | ||
409: Hinirang ang tatlong anak
at nagbala nang matahas: “Ang sa inyo ay magsukab sa akin ay magbayad.” |
Dahil sa ginawang masama nang dalawang magkapatid sila’y pinabantay ng ibong adarna nasali din si don juan dahil mahal niya ang kanyang mga kapatid at nais niyang tumulong. |
Leave a comment